10“ ‘Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon: Gagamitin ko si Nebucadnezar, ang hari ng Babilonia upang patayin ang mga mamamayan ng Ehipto.
11Siya at ang kanyang mga sundalo, na siyang pinakamalulupit na sundalo sa lahat ng mga bansa ang ipapadala ko sa Ehipto upang wasakin ito. Makikipagdigmaan sila dito at kakalat ang mga bangkay sa buong lupain.
12Patutuyuin ko ang Ilog Nilo at ipapasakop ko ang Ehipto sa masasamang tao. Wawasakin ko ang buong bansa ng Ehipto at ang lahat ng naroon sa pamamagitan ng mga dayuhan. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.
13“ ‘Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon: Wawasakin ko ang mga diyos-diyosan at sisirain ko ang mga imahe sa Memfis. Wala nang mamumuno sa Ehipto at tatakutin ko ang mga mamamayan nito.
14Gagawin kong tiwangwang ang Patros, susunugin ko ang Zoan at parurusahan ko ang Tebes.