13“ ‘Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon: Wawasakin ko ang mga diyos-diyosan at sisirain ko ang mga imahe sa Memfis. Wala nang mamumuno sa Ehipto at tatakutin ko ang mga mamamayan nito.
14Gagawin kong tiwangwang ang Patros, susunugin ko ang Zoan at parurusahan ko ang Tebes.
15Ibubuhos ko ang galit ko sa Pelosium, ang matibay na tanggulan ng Ehipto, at lilipulin ko ang maraming taga-Tebes.
16Susunugin ko ang Ehipto; magtitiis ng hirap ang Pelosium. Mawawasak ang Tebes, at laging matatakot ang Memfis.
17Mamamatay sa digmaan ang mga kabataang lalaki ng Heliopolis at Bubastis, at ang mga matitirang tao sa mga lungsod na ito ay bibihagin bilang mga alipin.