Ezekiel 30

At noong ikapitong araw ng unang buwan, nang ikalabing-isang taon ng aming pagkabihag, sinabi ng Panginoon sa akin:

Ezekiel 30:20 (UKJV) And it came to pass in the eleventh year, in the first month, in the seventh day of the month, that the word of the LORD came unto me, saying,

18Kapag inalis ko na ang kapangyarihan ng Ehipto, magiging madilim ang araw na iyon para sa Tapanhes. Mawawala na ang ipinagmamalaking kapangyarihan ng Ehipto. Matatakpan siya ng ulap, at ang mga mamamayan sa kanyang mga lungsod ay bibihagin.

19Ganyan ang magiging parusa ko sa Ehipto at malalaman ng kanyang mga mamamayan na ako ang Panginoon.’ ”

20At noong ikapitong araw ng unang buwan, nang ikalabing-isang taon ng aming pagkabihag, sinabi ng Panginoon sa akin:

21“Anak ng tao, binali ko ang braso ng Faraon na hari ng Ehipto. Walang gumamot sa kanya upang gumaling at lumakas upang muling makahawak ng espada.

22Kaya sabihin mo sa kanya na ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabing laban ako sa Faraon ng Ehipto. Babaliin ko ang isa pa niyang braso upang mabitawan niya ang kanyang espada.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.