16Susunugin ko ang Ehipto; magtitiis ng hirap ang Pelosium. Mawawasak ang Tebes, at laging matatakot ang Memfis.
17Mamamatay sa digmaan ang mga kabataang lalaki ng Heliopolis at Bubastis, at ang mga matitirang tao sa mga lungsod na ito ay bibihagin bilang mga alipin.
18Kapag inalis ko na ang kapangyarihan ng Ehipto, magiging madilim ang araw na iyon para sa Tapanhes. Mawawala na ang ipinagmamalaking kapangyarihan ng Ehipto. Matatakpan siya ng ulap, at ang mga mamamayan sa kanyang mga lungsod ay bibihagin.
19Ganyan ang magiging parusa ko sa Ehipto at malalaman ng kanyang mga mamamayan na ako ang Panginoon.’ ”
20At noong ikapitong araw ng unang buwan, nang ikalabing-isang taon ng aming pagkabihag, sinabi ng Panginoon sa akin: