7Magiging tiwangwang ang Ehipto sa lahat ng bansa at ang kanyang mga lungsod ang magiging pinakawasak sa lahat ng mga lungsod.
8Malalaman nila na ako ang Panginoon kapag sinunog ko na ang Ehipto at mapuksa ang lahat ng kanyang kakampi.
9“ ‘Sa panahong iyon, magsusugo ako ng mga tagapagbalita na sasakay sa mga barko upang takutin ang mga taga-Etiopia na hindi nababahala. Matatakot sila sa oras na mawasak ang Ehipto, at ang oras na iyon ay tiyak na darating.
10“ ‘Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon: Gagamitin ko si Nebucadnezar, ang hari ng Babilonia upang patayin ang mga mamamayan ng Ehipto.
11Siya at ang kanyang mga sundalo, na siyang pinakamalulupit na sundalo sa lahat ng mga bansa ang ipapadala ko sa Ehipto upang wasakin ito. Makikipagdigmaan sila dito at kakalat ang mga bangkay sa buong lupain.