11“ ‘Sapagkat ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Ang espada ng hari ng Babilonia ay sasalakay laban sa iyo.
12Ipapapatay ko ang iyong mga mamamayan sa pamamagitan ng espada ng mga makapangyarihang tao na siyang pinakamalulupit sa lahat ng bansa. Lilipulin nila ang lahat ng tao sa Ehipto at ang mga bagay na ipinagmamalaki ng bansang ito.
13Papatayin ko ang lahat ng hayop sa Ehipto na nanginginain sa tabi ng ilog. Kaya wala nang hayop o taong magpapalabo ng tubig nito.
14Palilinawin ko ang tubig nito, at tuloy-tuloy itong aagos na parang langis, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.
15Kapag ginawa ko nang tiwangwang ang Ehipto at nawasak ko na ang lahat, at kapag nalipol ko na rin ang mga nakatira rito, malalaman nila na ako ang Panginoon.’