Ezekiel 32

Ipapapatay ko ang iyong mga mamamayan sa pamamagitan ng espada ng mga makapangyarihang tao na siyang pinakamalulupit sa lahat ng bansa. Lilipulin nila ang lahat ng tao sa Ehipto at ang mga bagay na ipinagmamalaki ng bansang ito.

Ezekiel 32:12 (UKJV) By the swords of the mighty will I cause your multitude to fall, the terrible of the nations, all of them: and they shall spoil the pomp of Egypt, and all the multitude thereof shall be destroyed.

10Maraming tao ang masisindak sa gagawin ko sa iyo, pati ang mga hari nila ay manginginig sa takot. Manginginig ang bawat isa sa kanila kapag iwinasiwas ko sa kanilang harapan ang espada ko sa oras ng iyong pagkawasak.

11“ ‘Sapagkat ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Ang espada ng hari ng Babilonia ay sasalakay laban sa iyo.

12Ipapapatay ko ang iyong mga mamamayan sa pamamagitan ng espada ng mga makapangyarihang tao na siyang pinakamalulupit sa lahat ng bansa. Lilipulin nila ang lahat ng tao sa Ehipto at ang mga bagay na ipinagmamalaki ng bansang ito.

13Papatayin ko ang lahat ng hayop sa Ehipto na nanginginain sa tabi ng ilog. Kaya wala nang hayop o taong magpapalabo ng tubig nito.

14Palilinawin ko ang tubig nito, at tuloy-tuloy itong aagos na parang langis, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.