Ezekiel 32

Hindi sila binigyan ng marangal na libing katulad ng mga tanyag na mandirigma na hindi tuli, na noong inilibing ay nasa ulunan nila ang kanilang espada at ang kanilang pananggalang ay nasa kanilang dibdib. Ngunit noong nabubuhay pa sila kinatatakutan din sila ng mga tao.

Ezekiel 32:27 (UKJV) And they shall not lie with the mighty that are fallen of the uncircumcised, which are gone down to hell with their weapons of war: and they have laid their swords under their heads, but their iniquities shall be upon their bones, though they were the terror of the mighty in the land of the living.

25May himlayan din doon ang hari ng Elam kasama ng mga namatay sa digmaan. Ang libingan niya ay napapalibutan ng libingan ng kanyang mga tauhan. Lahat sila ay hindi tuli at silang lahat ay namatay din sa digmaan. Naghasik sila ng takot sa mga tao noong nabubuhay pa sila. Ngunit inilagay sila sa kahihiyan at nakahimlay kasama ng mga namatay sa digmaan.

26“Naroon din ang hari ng Mesec at ng Tubal. Napapalibutan din ang libingan nila ng libingan ng kanilang mga tauhan. Silang lahat ay hindi tuli, at namatay din sa digmaan. Kinatatakutan sila noong nabubuhay pa sila.

27Hindi sila binigyan ng marangal na libing katulad ng mga tanyag na mandirigma na hindi tuli, na noong inilibing ay nasa ulunan nila ang kanilang espada at ang kanilang pananggalang ay nasa kanilang dibdib. Ngunit noong nabubuhay pa sila kinatatakutan din sila ng mga tao.

28“At ikaw, Faraon, ay mamamatay din at mahihimlay kasama ng mga hindi tuli na namatay sa digmaan.

29“Naroon din sa lugar ng mga patay ang hari ng Edom at ang lahat ng pinuno niya. Makapangyarihan sila noon, pero ngayon, nakalibing na sila kasama ng mga hindi tuli na namatay sa digmaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.