Ezekiel 32

“At ikaw, Faraon, ay mamamatay din at mahihimlay kasama ng mga hindi tuli na namatay sa digmaan.

Ezekiel 32:28 (UKJV) Yea, you shall be broken in the midst of the uncircumcised, and shall lie with them that are slain with the sword.

26“Naroon din ang hari ng Mesec at ng Tubal. Napapalibutan din ang libingan nila ng libingan ng kanilang mga tauhan. Silang lahat ay hindi tuli, at namatay din sa digmaan. Kinatatakutan sila noong nabubuhay pa sila.

27Hindi sila binigyan ng marangal na libing katulad ng mga tanyag na mandirigma na hindi tuli, na noong inilibing ay nasa ulunan nila ang kanilang espada at ang kanilang pananggalang ay nasa kanilang dibdib. Ngunit noong nabubuhay pa sila kinatatakutan din sila ng mga tao.

28“At ikaw, Faraon, ay mamamatay din at mahihimlay kasama ng mga hindi tuli na namatay sa digmaan.

29“Naroon din sa lugar ng mga patay ang hari ng Edom at ang lahat ng pinuno niya. Makapangyarihan sila noon, pero ngayon, nakalibing na sila kasama ng mga hindi tuli na namatay sa digmaan.

30“Naroon din ang mga Sidoneo at ang lahat ng pinuno ng mga bansa sa hilaga. Kinatatakutan din sila ng mga tao noong nabubuhay pa sila dahil sa kapangyarihan nila, pero ngayon, inilagay sila sa kahihiyan at nakahimlay sa lugar ng mga patay kasama ng mga hindi tuli na namatay sa digmaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.