6Didiligan ko ng dugo mo ang lupain, gayon din ang kabundukan at padadaluyin ko ito sa mga daanan ng tubig.
7Kapag napuksa na kita nang tuluyan, tatakpan ko ang langit ng makapal na ulap, at padidilimin ang mga bituin. Tatakpan ko rin ang araw at ang buwan ay hindi makapagbibigay ng liwanag nito.
8Padidilimin ko ang lahat ng nagliliwanag sa langit. Kaya magdidilim sa buong lupain mo, Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.
9Maguguluhan ang mga mamamayan ng mga bansang hindi mo kilala kapag nalaman nilang winasak na kita.
10Maraming tao ang masisindak sa gagawin ko sa iyo, pati ang mga hari nila ay manginginig sa takot. Manginginig ang bawat isa sa kanila kapag iwinasiwas ko sa kanilang harapan ang espada ko sa oras ng iyong pagkawasak.