Ezekiel 32

Kapag napuksa na kita nang tuluyan, tatakpan ko ang langit ng makapal na ulap, at padidilimin ang mga bituin. Tatakpan ko rin ang araw at ang buwan ay hindi makapagbibigay ng liwanag nito.

Ezekiel 32:7 (UKJV) And when I shall put you out, I will cover the heaven, and make the stars thereof dark; I will cover the sun with a cloud, and the moon shall not give her light.

5Ang iyong laman ay aking ikakalat sa mga kabundukan at mga lambak.

6Didiligan ko ng dugo mo ang lupain, gayon din ang kabundukan at padadaluyin ko ito sa mga daanan ng tubig.

7Kapag napuksa na kita nang tuluyan, tatakpan ko ang langit ng makapal na ulap, at padidilimin ang mga bituin. Tatakpan ko rin ang araw at ang buwan ay hindi makapagbibigay ng liwanag nito.

8Padidilimin ko ang lahat ng nagliliwanag sa langit. Kaya magdidilim sa buong lupain mo, Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.

9Maguguluhan ang mga mamamayan ng mga bansang hindi mo kilala kapag nalaman nilang winasak na kita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.