Ezekiel 33

Nagtitiwala kayo sa inyong espada, gumagawa kayo ng mga kasuklam-suklam na bagay, at dinudungisan ninyo ang asawa ng iba dahil sa inyong pakikiapid. At sa kabila nitoʼy inaakala ninyong kayo ang magmamay-ari ng lupain?

Ezekiel 33:26 (UKJV) All of you stand upon your sword, all of you work abomination, and all of you defile every one his neighbour's wife: and shall all of you possess the land?

24“Anak ng tao, ang mga nakatira roon sa mga gibang lungsod ng Israel ay nagsasabi, ‘Iisa lang si Abraham, at sa kanya ibinigay ang buong lupain. Marami tayo, kaya tiyak na tayo ang magmamay-ari ng lupaing ito.’

25Sabihin mo na ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabi: Inaakala ba ninyong kayo ang magmamay-ari ng lupaing iyon, kahit na kumakain kayo ng karneng may dugo, sumasamba sa mga diyos-diyosan ninyo at pumapatay ng tao?

26Nagtitiwala kayo sa inyong espada, gumagawa kayo ng mga kasuklam-suklam na bagay, at dinudungisan ninyo ang asawa ng iba dahil sa inyong pakikiapid. At sa kabila nitoʼy inaakala ninyong kayo ang magmamay-ari ng lupain?

27“Sabihin mo ito sa kanila: ‘Ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang mamamatay sa digmaan ang mga taong iyon na natirang buháy sa mga nagibang lungsod. Ang mga natira namang buhay sa mga bukid ay kakainin ng mababangis na hayop, at ang iba na nasa mga pinagtataguan nila at nasa mga kuweba ay mamamatay sa sakit.

28Gagawin kong tiwangwang ang lupain ng Israel at aalisin ko ang kapangyarihang ipinagmamalaki niya. Magiging tiwangwang kahit ang mga kabundukan niya at wala nang dadaan doon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.