Ezekiel 36

“Patuloy pang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon: Pakikinggan kong muli ang mga kahilingan ng mga mamamayan ng Israel, at ito pa ang gagawin ko sa kanila: Gagawin kong kasingdami ng mga kawan ng tupa ang mga mamamayan.

Ezekiel 36:37 (UKJV) Thus says the Lord GOD; I will yet for this be enquired of by the house of Israel, to do it for them; I will increase them with men like a flock.

35ay magsasabi, ‘Ang lupaing walang pakinabang noon, ngayon ay parang hardin na ng Eden. Ang mga lungsod na giba at tiwangwang noon, ngayon ay tinitirhan at napapaderan na.’

36At malalaman ng mga bansang nakatira sa palibot ninyo na ako ang Panginoong nagtayo ng mga nawasak at nagtanim sa mga ilang na lupain. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito, at gagawin ko ito.”

37“Patuloy pang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon: Pakikinggan kong muli ang mga kahilingan ng mga mamamayan ng Israel, at ito pa ang gagawin ko sa kanila: Gagawin kong kasingdami ng mga kawan ng tupa ang mga mamamayan.

38Pararamihin ko sila na kasindami ng mga kawan ng tupa na inihahandog sa Jerusalem sa panahon ng pista. Kaya ang mga nawasak na lungsod ay titirhan na ng maraming tao. At malalaman nila na ako ang Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.