1Napuspos ako ng kapangyarihan ng Panginoon at dinala ako ng kanyang Espiritu sa gitna ng isang lambak na puno ng kalansay.
2Inilibot niya ako roon, at nakita ko ang napakaraming tuyong buto na nagkalat sa lambak.
3Tinanong ako ng Panginoon, “Anak ng tao, mabubuhay pa kaya ang mga butong ito?” Sumagot ako, “Makapangyarihang Panginoon, kayo lang po ang nakakaalam.”
4Sinabi niya sa akin, “Sabihin mo sa mga butong ito na makinig sa sasabihin ng Panginoon.
5Sapagkat ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang magsasabi nito sa kanila, ‘Bibigyan ko kayo ng hininga, at mabubuhay kayo.