11Sasabihin mong, ‘Sasalakayin ko ang Israel na ang mga bayan ay walang pader, pintuan o harang at ang mga mamamayan ay payapang namumuhay at walang kinatatakutang panganib.
12Sasamsamin ko ang mga ari-arian ng mga lungsod na ito na dating tiwangwang, ngunit ngayon ay puno na ng tao mula sa ibaʼt ibang bansa. Marami ang hayop nila at ari-arian, at itinuturing nila na pinakapangunahing bansa sa daigdig ang bansa nila.’
13“Ngunit sasabihin sa iyo ng mga taga-Sheba at Dedan, at ng mga mangangalakal sa mga bayan ng Tarsis, ‘Tinipon mo ba ang iyong mga sundalo para samsamin ang mga pilak at ginto ng mga taga-Israel? Sasamsamin mo rin ba ang kanilang mga hayop at ari-arian?’
14“Kaya, anak ng tao, sabihin mo kay Gog na ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabi: Sa araw na iyon na namumuhay na nang tahimik ang mga mamamayan kong Israelita, malalaman mo iyon.
15Sasalakayin mo sila mula sa kinalalagyan mong malayong lugar sa hilaga kasama ang iyong marami at malalakas na mga sundalo na nakasakay sa kabayo.