Ezekiel 38

Ang mga isda sa dagat, ang mga ibon sa himpapawid, ang mga hayop sa kabukiran, at lahat ng hayop na gumagapang at lahat nga tao sa mundo ay manginginig sa takot sa aking harapan. Guguho ang mga bundok at burol, at mawawasak ang mga pader.

Ezekiel 38:20 (UKJV) So that the fishes of the sea, and the fowls of the heaven, and the beasts of the field, and all creeping things that creep upon the earth, and all the men that are upon the face of the earth, shall shake at my presence, and the mountains shall be thrown down, and the steep places shall fall, and every wall shall fall to the ground.

18Ngunit Gog, sa araw na iyon ay ito ang mangyayari sa iyo: Kapag sinalakay mo na ang Israel, labis akong magagalit. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.

19At sa tindi ng galit ko, isinusumpa kong yayanigin ko nang malakas na lindol ang lupain ng Israel.

20Ang mga isda sa dagat, ang mga ibon sa himpapawid, ang mga hayop sa kabukiran, at lahat ng hayop na gumagapang at lahat nga tao sa mundo ay manginginig sa takot sa aking harapan. Guguho ang mga bundok at burol, at mawawasak ang mga pader.

21At ikaw, Gog ay ipapapatay ko roon sa aking mga bundok, at ang mga sundalo mo ay magpapatayan. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.

22Parurusahan kita at ang mga sundalo mo, pati ang mga bansang kasama mo. Parurusahan ko kayo sa pamamagitan ng salot at magpapatayan kayo sa isaʼt isa. Pauulanan ko kayo ng yelong parang bato at ng nagniningas na asupre.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.