16Sasalakayin mo ang mga mamamayan kong Israelita na parang ulap na nakapaligid sa kanila. Gog, ipasasalakay ko sa iyo ang aking lupain sa hinaharap. At sa pamamagitan mo ay maipapakita ko sa mga bansa ang aking kabanalan. At malalaman nila na ako ang Panginoon.”
17Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon, “Noong unang panahon, sinabi ko sa pamamagitan ng mga lingkod kong propeta ng Israel, na sa mga huling araw ay may sasalakay sa Israel. At ikaw ang tinutukoy ko noon.
18Ngunit Gog, sa araw na iyon ay ito ang mangyayari sa iyo: Kapag sinalakay mo na ang Israel, labis akong magagalit. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.
19At sa tindi ng galit ko, isinusumpa kong yayanigin ko nang malakas na lindol ang lupain ng Israel.
20Ang mga isda sa dagat, ang mga ibon sa himpapawid, ang mga hayop sa kabukiran, at lahat ng hayop na gumagapang at lahat nga tao sa mundo ay manginginig sa takot sa aking harapan. Guguho ang mga bundok at burol, at mawawasak ang mga pader.