Ezekiel 39

Paiikutin kita at hihilahin mula sa hilaga hanggang makarating ka sa bundok ng Israel.

Ezekiel 39:2 (UKJV) And I will turn you back, and leave but the sixth part of you, and will cause you to come up from the north parts, and will bring you upon the mountains of Israel:

1“Anak ng tao, magsalita ka laban kay Gog. Sabihin mo sa kanya na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Gog, kalaban kita, ikaw na pinuno ng Mesec at Tubal.

2Paiikutin kita at hihilahin mula sa hilaga hanggang makarating ka sa bundok ng Israel.

3Pagkatapos, kukunin ko ang mga armas mo, at malalaglag ang mga pana sa iyong kanang kamay.

4Mamamatay ka at ang lahat ng sundalo mo, pati na ang mga bansang kasama mo roon sa bundok ng Israel. Ipapakain ko ang mga bangkay ninyo sa ibaʼt ibang uri ng ibong mandaragit at sa mababangis na hayop.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.