26Makakalimutan na rin nila ang kahihiyang sinapit nila at pagtataksil sa akin kapag naninirahan na silang payapa at walang ligalig sa lupain nila.
27Ipapakita ko ang kabanalan ko sa mga bansa kapag nakuha ko na ang mga Israelita sa mga bansang kaaway nila.
28At malalaman nila na ako ang Panginoon na kanilang Diyos. Sapagkat kahit ipinabihag ko sila sa ibang mga bansa, ibinalik ko rin silang lahat sa lupain nila at wala akong iniwan kahit isa.
29Hindi ko na sila pababayaan dahil ipapadala ko ang aking Espiritu sa mga mamamayan ng Israel, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.”