Ezekiel 39

Makakalimutan na rin nila ang kahihiyang sinapit nila at pagtataksil sa akin kapag naninirahan na silang payapa at walang ligalig sa lupain nila.

Ezekiel 39:26 (UKJV) After that they have borne their shame, and all their trespasses whereby they have trespassed against me, when they dwelt safely in their land, and none made them afraid.

24Ginawa ko lang sa kanila ang nararapat, ayon sa ginawa nilang kasamaan at karumihan.”

25“Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon: Kahahabagan ko na ang mga mamamayan ng Israel, ang lahi ni Jacob. Muli ko silang pauunlarin, upang maparangalan ang banal kong pangalan.

26Makakalimutan na rin nila ang kahihiyang sinapit nila at pagtataksil sa akin kapag naninirahan na silang payapa at walang ligalig sa lupain nila.

27Ipapakita ko ang kabanalan ko sa mga bansa kapag nakuha ko na ang mga Israelita sa mga bansang kaaway nila.

28At malalaman nila na ako ang Panginoon na kanilang Diyos. Sapagkat kahit ipinabihag ko sila sa ibang mga bansa, ibinalik ko rin silang lahat sa lupain nila at wala akong iniwan kahit isa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.