22At mula sa araw na iyon, malalaman ng mga mamamayan ng Israel na ako ang Panginoon nilang Diyos.
23At malalaman din ng ibang bansa na ang mga mamamayan ng Israel ay binihag dahil sa mga kasalanan nila, dahil hindi sila sumunod sa akin. Kaya pinabayaan ko silang salakayin at patayin ng mga kaaway.
24Ginawa ko lang sa kanila ang nararapat, ayon sa ginawa nilang kasamaan at karumihan.”
25“Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon: Kahahabagan ko na ang mga mamamayan ng Israel, ang lahi ni Jacob. Muli ko silang pauunlarin, upang maparangalan ang banal kong pangalan.
26Makakalimutan na rin nila ang kahihiyang sinapit nila at pagtataksil sa akin kapag naninirahan na silang payapa at walang ligalig sa lupain nila.