Ezekiel 40

Ang bawat gilid ng daanan ay may tatlo ring silid na kinaroroonan ng mga guwardiyang nagbabantay. Ang luwang ng mga silid na ito at ang pader sa pagitan, pati ang mga balkonahe nito ay katulad din ng daanan sa silangan. Ang haba ng daanan sa hilaga ay walumpuʼt walong talampakan at ang luwang ay apatnapuʼt apat na talampakan.

Ezekiel 40:21 (UKJV) And the little chambers thereof were three on this side and three on that side; and the posts thereof and the arches thereof were after the measure of the first gate: the length thereof was fifty cubits, and the breadth five and twenty cubits.

19Pagkatapos, sinukat ng tao ang layo mula sa daanang papasok sa bakuran sa labas ng Templo hanggang sa daanang papunta sa loob ng bakuran ng Templo at ang layo ay 175 talampakan.

20Pagkatapos, sinukat ng tao ang haba at taas ng daanan sa hilaga. Ang daanang ito ay papunta sa labas ng patyo.

21Ang bawat gilid ng daanan ay may tatlo ring silid na kinaroroonan ng mga guwardiyang nagbabantay. Ang luwang ng mga silid na ito at ang pader sa pagitan, pati ang mga balkonahe nito ay katulad din ng daanan sa silangan. Ang haba ng daanan sa hilaga ay walumpuʼt walong talampakan at ang luwang ay apatnapuʼt apat na talampakan.

22Ang mga bintana, balkonahe at palamuting palma ay katulad din ng nasa silangang daanan. May pitong baitang pataas sa daanan at may balkonahe sa dulo nito.

23Mayroon ding daanan papunta sa bakuran sa loob, sa gawing hilagang daanan katulad ng daanan sa silangan. Sinukat din ng tao ang layo ng dalawang daanan, at itoʼy 175 talampakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.