Ezekiel 40

Sa bawat gilid ng daanang ito ay may tatlong silid na may guwardiyang nagbabantay. Ang bawat silid na itoʼy may sukat na sampung talampakan ang haba at ganoon din ang lawak, at ang kapal ng pader sa pagitan ay walong talampakan. Sa kabila ng mga silid ay may daanang papunta sa balkonahe na nakaharap sa Templo. Ang daanang ito ay sampung talampakan din ang haba.

Ezekiel 40:7 (UKJV) And every little chamber was one reed long, and one reed broad; and between the little chambers were five cubits; and the threshold of the gate by the porch of the gate within was one reed.

5Nakita ko ang Templo na napapaligiran ng pader. Kinuha ng tao ang panukat niyang kahoy, na ang haba ay sampung talampakan, ayon sa umiiral na sukatan ay sinukat niya ang pader. Labing-isang talampakan ang taas nito at ganoon din ang kapal.

6Pagkatapos, pumunta ang tao sa daanan sa Templo na nakaharap sa silangan. Umakyat siya sa mga baitang at sinukat niya ang pasukan ng daanan, at sampung talampakan ang lalim nito.

7Sa bawat gilid ng daanang ito ay may tatlong silid na may guwardiyang nagbabantay. Ang bawat silid na itoʼy may sukat na sampung talampakan ang haba at ganoon din ang lawak, at ang kapal ng pader sa pagitan ay walong talampakan. Sa kabila ng mga silid ay may daanang papunta sa balkonahe na nakaharap sa Templo. Ang daanang ito ay sampung talampakan din ang haba.

8Sinukat din ng tao ang bulwagan;

9at labing-apat na talampakan ang haba nito. Ang kapal ng dingding sa magkabilang daanan ng balkonahe ay tatloʼt kalahating talampakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.