Ezekiel 40

at labing-apat na talampakan ang haba nito. Ang kapal ng dingding sa magkabilang daanan ng balkonahe ay tatloʼt kalahating talampakan.

Ezekiel 40:9 (UKJV) Then measured he the porch of the gate, eight cubits; and the posts thereof, two cubits; and the porch of the gate was inward.

7Sa bawat gilid ng daanang ito ay may tatlong silid na may guwardiyang nagbabantay. Ang bawat silid na itoʼy may sukat na sampung talampakan ang haba at ganoon din ang lawak, at ang kapal ng pader sa pagitan ay walong talampakan. Sa kabila ng mga silid ay may daanang papunta sa balkonahe na nakaharap sa Templo. Ang daanang ito ay sampung talampakan din ang haba.

8Sinukat din ng tao ang bulwagan;

9at labing-apat na talampakan ang haba nito. Ang kapal ng dingding sa magkabilang daanan ng balkonahe ay tatloʼt kalahating talampakan.

10Ang tatlong silid na kinaroroonan ng mga bantay ay pare-pareho ang luwang at ang mga pader sa pagitan nito ay pare-pareho rin ang kapal.

11Sinukat din ng tao ang taas ng daanan papunta sa bakuran sa labas at itoʼy dalawampuʼt tatlong talampakan. Ngunit ang taas ng pintuan nito ay labingwalong talampakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.