Ezekiel 40

Ang tatlong silid na kinaroroonan ng mga bantay ay pare-pareho ang luwang at ang mga pader sa pagitan nito ay pare-pareho rin ang kapal.

Ezekiel 40:10 (UKJV) And the little chambers of the gate eastward were three on this side, and three on that side; they three were of one measure: and the posts had one measure on this side and on that side.

8Sinukat din ng tao ang bulwagan;

9at labing-apat na talampakan ang haba nito. Ang kapal ng dingding sa magkabilang daanan ng balkonahe ay tatloʼt kalahating talampakan.

10Ang tatlong silid na kinaroroonan ng mga bantay ay pare-pareho ang luwang at ang mga pader sa pagitan nito ay pare-pareho rin ang kapal.

11Sinukat din ng tao ang taas ng daanan papunta sa bakuran sa labas at itoʼy dalawampuʼt tatlong talampakan. Ngunit ang taas ng pintuan nito ay labingwalong talampakan.

12Sa harap ng bawat silid na kinaroroonan ng mga guwardiyang nagbabantay ay may mababang pader na dalawampung pulgada ang taas at dalawampung pulgada rin ang kapal. At ang mga silid na itoʼy labing-isang talampakan ang haba at ganoon din ang luwang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.