Ezekiel 41

ay nababalot ng tabla, pati ang palibot ng maliliit na bintana. Ang tatlong silid sa magkabilang daanan ay nababalot din ng tabla mula sa sahig hanggang bintana. Ang mga bintanang ito ay maaaring isara.

Ezekiel 41:16 (UKJV) The door posts, and the narrow windows, and the galleries round about on their three stories, opposite to the door, covered over with wood round about, and from the ground up to the windows, and the windows were covered;

14Ang luwang ng bulwagan sa loob sa gawing silangan, sa harap ng Templo ay 175 talampakan din.

15Pagkatapos, sinukat din ng tao ang haba ng gusali sa kanluran na nakaharap sa loob ng bulwagan na likod ng Templo, pati ang mga pader sa bawat tabi nito, at ito ay may sukat na 175 talampakan. Ang Banal na Lugar, ang Pinakabanal na Lugar, at ang balkonahe ng Templo

16ay nababalot ng tabla, pati ang palibot ng maliliit na bintana. Ang tatlong silid sa magkabilang daanan ay nababalot din ng tabla mula sa sahig hanggang bintana. Ang mga bintanang ito ay maaaring isara.

17Ang dingding sa itaas ng pinto na papunta sa Pinakabanal na Lugar ay nababalot din ng mga tabla. Ang buong dingding sa loob ng Templo

18ay napapalamutian ng mga nakaukit na punong palma at mga kerubin na may dalawang mukha.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.