15Pagkatapos, sinukat din ng tao ang haba ng gusali sa kanluran na nakaharap sa loob ng bulwagan na likod ng Templo, pati ang mga pader sa bawat tabi nito, at ito ay may sukat na 175 talampakan. Ang Banal na Lugar, ang Pinakabanal na Lugar, at ang balkonahe ng Templo
16ay nababalot ng tabla, pati ang palibot ng maliliit na bintana. Ang tatlong silid sa magkabilang daanan ay nababalot din ng tabla mula sa sahig hanggang bintana. Ang mga bintanang ito ay maaaring isara.
17Ang dingding sa itaas ng pinto na papunta sa Pinakabanal na Lugar ay nababalot din ng mga tabla. Ang buong dingding sa loob ng Templo
18ay napapalamutian ng mga nakaukit na punong palma at mga kerubin na may dalawang mukha.
19Ang isang kerubin ay mukha ng taong nakaharap sa palmera at ang isa naman ay mukha ng leon na nakaharap din sa kabilang palma. Nakaukit ang mga ito sa lahat ng dingding ng Templo.