1Pagkatapos, dinala ako ng tao sa bakuran sa labas ng Templo. Doon kami dumaan sa hilagang daanan ng Templo. At doon ay ipinakita niya sa akin ang mga silid na nasa hilaga ng bakuran sa loob at ng gusali sa kanluran.
2Itong mga silid na nakaharap sa hilaga ay 175 talampakan ang haba at walumpuʼt walong talampakan ang luwang.
3May agwat na tatlumpuʼt limang talampakan sa pagitan ng Templo at ng mga silid na ito. Nakaharap ang mga silid na ito sa daanang bato sa bakuran sa labas. Itoʼy may tatlong palapag