Ezekiel 42

Dahil kung wala ang pader na ito, ang kalahati ng gusali na walumpuʼt limang talampakan ay makikita sa bakuran sa labas. Ang kabuuan ng gusali na may habang 175 talampakan ay makikita sa Templo.

Ezekiel 42:8 (UKJV) For the length of the chambers that were in the utter court was fifty cubits: and, lo, before the temple were an hundred cubits.

6Ang tatlong palapag na ito ay walang haligi, di tulad ng mga nasa bakuran. At dahil magkakapatong ang mga ito, paliit nang paliit ang mga silid nito mula sa itaas pababa.

7Ang gusaling ito at ang bakuran sa labas ay may pagitang pader na walumpuʼt limang talampakan ang haba.

8Dahil kung wala ang pader na ito, ang kalahati ng gusali na walumpuʼt limang talampakan ay makikita sa bakuran sa labas. Ang kabuuan ng gusali na may habang 175 talampakan ay makikita sa Templo.

9May mga daanan papasok sa ibabang palapag ng gusaling ito kung galing ka sa bandang silangan ng bakuran sa labas.

10Mayroon ding mga silid sa bandang timog na pader ng bakuran sa loob. Ang mga silid na ito na nasa gilid ng bakuran sa loob ay malapit din sa gusali sa kanluran.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.