Ezekiel 43

“Ito ang sukat ng altar ayon sa umiiral na panukat: Sa paligid ng altar ay gagawa kayo ng parang kanal na dalawampuʼt isang pulgada ang lawak at dalawampuʼt isang pulgada rin ang lalim at may sinepa sa paligid na anim na pulgada ang kapal.

Ezekiel 43:13 (UKJV) And these are the measures of the altar after the cubits: The cubit is a cubit and an hand breadth; even the bottom shall be a cubit, and the breadth a cubit, and the border thereof by the edge thereof round about shall be a span: and this shall be the higher place of the altar.

11Kapag napahiya na sila sa lahat ng ginawa nila, ilarawan mo sa kanila kung paano gagawin ito, ang mga daanan, pinto, at ang buong anyo ng gusali. Isulat mo ang mga tuntunin sa pagpapagawa nito habang nakatingin sila upang masunod nila ito nang mabuti.

12At ito ang pangunahing kautusan tungkol sa Templo: Ituring ninyong napakabanal ng lahat ng lugar sa paligid ng bundok doon sa itaas na pagtatayuan ng Templo.

13“Ito ang sukat ng altar ayon sa umiiral na panukat: Sa paligid ng altar ay gagawa kayo ng parang kanal na dalawampuʼt isang pulgada ang lawak at dalawampuʼt isang pulgada rin ang lalim at may sinepa sa paligid na anim na pulgada ang kapal.

14May tatlong palapag ang altar na parisukat lahat. Ang ibabang palapag ay tatlo at kalahating talampakan ang haba at mga dalawang talampakan ang lawak. Ang taas naman ay tatlong talampakan. Ang gitnang palapag ay dalawampuʼt limang talampakan ang haba at lawak at pitong talampakan naman ang taas. May kanal sa paligid nito na dalawampuʼt isang pulgada ang lalim, at may sinepa sa palibot na sampung pulgada ang lawak. Ang palapag sa itaas ay dalawampuʼt isang talampakan ang haba at lawak at pitong talampakan naman ang taas. Dito sinusunog ang mga handog. Ang apat na sulok ng altar ay may parang mga sungay ng hayop. Ang hagdan ng altar ay nasa gawing silangan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.