Ezekiel 43

Sinabi pa ng tinig sa akin, “Anak ng tao, ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Kapag nagawa na ang altar, italaga ninyo ito sa pamamagitan ng pag-aalay ng handog na sinusunog at pagwiwisik ng dugo ng hayop na inihandog.

Ezekiel 43:18 (UKJV) And he said unto me, Son of man, thus says the Lord GOD; These are the ordinances of the altar in the day when they shall make it, to offer burnt offerings thereon, and to sprinkle blood thereon.

18Sinabi pa ng tinig sa akin, “Anak ng tao, ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Kapag nagawa na ang altar, italaga ninyo ito sa pamamagitan ng pag-aalay ng handog na sinusunog at pagwiwisik ng dugo ng hayop na inihandog.

19Sa araw na iyon, ang mga paring naglilingkod sa akin na mga Levitang mula sa pamilya ni Sadoc ay bibigyan ng isang batang toro na iaalay nila bilang handog para sa kasalanan, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.

20Kumuha ka ng dugo nito at ipahid mo sa apat na sungay na nasa sulok ng pangalawang palapag ng altar at sa sinepa nito. Sa ganitong paraan ay malilinis ang altar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.