Ezekiel 43

Kumuha ka ng dugo nito at ipahid mo sa apat na sungay na nasa sulok ng pangalawang palapag ng altar at sa sinepa nito. Sa ganitong paraan ay malilinis ang altar.

Ezekiel 43:20 (UKJV) And you shall take of the blood thereof, and put it on the four horns of it, and on the four corners of the settle, and upon the border round about: thus shall you cleanse and purge it.

18Sinabi pa ng tinig sa akin, “Anak ng tao, ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Kapag nagawa na ang altar, italaga ninyo ito sa pamamagitan ng pag-aalay ng handog na sinusunog at pagwiwisik ng dugo ng hayop na inihandog.

19Sa araw na iyon, ang mga paring naglilingkod sa akin na mga Levitang mula sa pamilya ni Sadoc ay bibigyan ng isang batang toro na iaalay nila bilang handog para sa kasalanan, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.

20Kumuha ka ng dugo nito at ipahid mo sa apat na sungay na nasa sulok ng pangalawang palapag ng altar at sa sinepa nito. Sa ganitong paraan ay malilinis ang altar.

21Pagkatapos, kunin mo ang batang toro na handog para sa kasalanan, at sunugin mo sa lugar na pinagsusunugan sa labas ng Templo.

22Kinabukasan, maghandog ka ng lalaking kambing na walang kapintasan bilang handog para sa kasalanan at ihandog mo sa paglilinis ng altar, katulad ng ginawa mo sa batang toro.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.