20Kumuha ka ng dugo nito at ipahid mo sa apat na sungay na nasa sulok ng pangalawang palapag ng altar at sa sinepa nito. Sa ganitong paraan ay malilinis ang altar.
21Pagkatapos, kunin mo ang batang toro na handog para sa kasalanan, at sunugin mo sa lugar na pinagsusunugan sa labas ng Templo.
22Kinabukasan, maghandog ka ng lalaking kambing na walang kapintasan bilang handog para sa kasalanan at ihandog mo sa paglilinis ng altar, katulad ng ginawa mo sa batang toro.
23Pagkatapos ng paglilinis, kumuha ka ng isang batang toro at isang tupa na walang kapintasan,
24at ihandog mo sa Panginoon. Lalagyan ito ng asin ng mga pari bago nila ialay sa Panginoon bilang handog na sinusunog.