22Kinabukasan, maghandog ka ng lalaking kambing na walang kapintasan bilang handog para sa kasalanan at ihandog mo sa paglilinis ng altar, katulad ng ginawa mo sa batang toro.
23Pagkatapos ng paglilinis, kumuha ka ng isang batang toro at isang tupa na walang kapintasan,
24at ihandog mo sa Panginoon. Lalagyan ito ng asin ng mga pari bago nila ialay sa Panginoon bilang handog na sinusunog.
25“Sa loob ng isang linggo, magdala ka bawat araw ng isang lalaking kambing, isang toro at isang tupa na pawang walang kapintasan at ialay mo bilang handog para sa kasalanan.
26Gagawin mo ang seremonyang ito sa loob ng pitong araw upang malinis ang altar at maging banal ito. Sa ganitong paraan itatalaga ito para sa akin.