Ezekiel 43

Gagawin mo ang seremonyang ito sa loob ng pitong araw upang malinis ang altar at maging banal ito. Sa ganitong paraan itatalaga ito para sa akin.

Ezekiel 43:26 (UKJV) Seven days shall they purge the altar and purify it; and they shall consecrate themselves.

24at ihandog mo sa Panginoon. Lalagyan ito ng asin ng mga pari bago nila ialay sa Panginoon bilang handog na sinusunog.

25“Sa loob ng isang linggo, magdala ka bawat araw ng isang lalaking kambing, isang toro at isang tupa na pawang walang kapintasan at ialay mo bilang handog para sa kasalanan.

26Gagawin mo ang seremonyang ito sa loob ng pitong araw upang malinis ang altar at maging banal ito. Sa ganitong paraan itatalaga ito para sa akin.

27At mula sa ikawalong araw, maghahandog na ang mga pari ng inyong mga handog na sinusunog at mga handog pangkapayapaan. At tatanggapin ko kayo, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.