1Muli akong dinala ng tao sa pintuang palabas ng Templo sa gawing silangan, pero nakasarado ito.
2Sinabi ng Panginoon sa akin, “Ang pintuang ito ay kinakailangang palaging nakasara at hindi dapat buksan upang walang makadaan, dahil ako, ang Panginoong Diyos ng Israel ay dumaan dito.
3Ang pinuno lang ng Israel ang makakaupo rito sa daanan upang kumain ng inihandog sa Panginoon, pero roon siya dadaan sa balkonahe ng daanan at doon din siya lalabas.”