Ezekiel 44

Pagkatapos, dinala ako ng tao sa harap ng Templo. Doon kami dumaan sa daanan sa gawing hilaga. Nakita ko roon ang dakilang presensya ng Panginoon na nakapalibot sa Templo niya, at nagpatirapa ako.

Ezekiel 44:4 (UKJV) Then brought he me the way of the north gate before the house: and I looked, and, behold, the glory of the LORD filled the house of the LORD: and I fell upon my face.

2Sinabi ng Panginoon sa akin, “Ang pintuang ito ay kinakailangang palaging nakasara at hindi dapat buksan upang walang makadaan, dahil ako, ang Panginoong Diyos ng Israel ay dumaan dito.

3Ang pinuno lang ng Israel ang makakaupo rito sa daanan upang kumain ng inihandog sa Panginoon, pero roon siya dadaan sa balkonahe ng daanan at doon din siya lalabas.”

4Pagkatapos, dinala ako ng tao sa harap ng Templo. Doon kami dumaan sa daanan sa gawing hilaga. Nakita ko roon ang dakilang presensya ng Panginoon na nakapalibot sa Templo niya, at nagpatirapa ako.

5Sinabi sa akin ng Panginoon, “Anak ng tao, pakinggan mong mabuti ang sasabihin ko sa iyo tungkol sa lahat ng tuntunin sa aking Templo. Alamin mong mabuti kung sinu-sino ang maaaring pumasok at ang hindi.

6Sabihin mo sa mga rebeldeng mamamayan ng Israel na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Mga mamamayan ng Israel, tigilan na ninyo ang mga kasuklam-suklam ninyong ginagawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.