Ezekiel 44

Sabihin mo sa mga rebeldeng mamamayan ng Israel na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Mga mamamayan ng Israel, tigilan na ninyo ang mga kasuklam-suklam ninyong ginagawa.

Ezekiel 44:6 (UKJV) And you shall say to the rebellious, even to the house of Israel, Thus says the Lord GOD; O all of you house of Israel, let it suffice you of all your abominations,

4Pagkatapos, dinala ako ng tao sa harap ng Templo. Doon kami dumaan sa daanan sa gawing hilaga. Nakita ko roon ang dakilang presensya ng Panginoon na nakapalibot sa Templo niya, at nagpatirapa ako.

5Sinabi sa akin ng Panginoon, “Anak ng tao, pakinggan mong mabuti ang sasabihin ko sa iyo tungkol sa lahat ng tuntunin sa aking Templo. Alamin mong mabuti kung sinu-sino ang maaaring pumasok at ang hindi.

6Sabihin mo sa mga rebeldeng mamamayan ng Israel na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Mga mamamayan ng Israel, tigilan na ninyo ang mga kasuklam-suklam ninyong ginagawa.

7Pinapapasok ninyo sa aking Templo ang mga dayuhang hindi tuli na matitigas ang puso at ulo. Sa ganitong paraan, dinudungisan ninyo ang Templo ko kahit na naghahandog pa kayo ng mga pagkain, taba, at dugo. Maliban sa kasuklam-suklam ninyong ginagawa, nilalabag pa ninyo ang kasunduan ko.

8Sa halip na kayo ang mamamahala sa mga banal na bagay sa Templo, ipinauubaya ninyo ito sa ibang tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.