6Sabihin mo sa mga rebeldeng mamamayan ng Israel na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Mga mamamayan ng Israel, tigilan na ninyo ang mga kasuklam-suklam ninyong ginagawa.
7Pinapapasok ninyo sa aking Templo ang mga dayuhang hindi tuli na matitigas ang puso at ulo. Sa ganitong paraan, dinudungisan ninyo ang Templo ko kahit na naghahandog pa kayo ng mga pagkain, taba, at dugo. Maliban sa kasuklam-suklam ninyong ginagawa, nilalabag pa ninyo ang kasunduan ko.
8Sa halip na kayo ang mamamahala sa mga banal na bagay sa Templo, ipinauubaya ninyo ito sa ibang tao.
9Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabing, walang dayuhan na hindi tuli at matitigas ang puso ang papayagang pumasok sa Templo ko, kahit na ang mga dayuhang nakatira kasama ng mga Israelita.
10“Tungkol naman sa mga Levita na tumalikod sa akin at sumáma sa ibang Israelita na sumamba sa mga diyos-diyosan, pagdurusahan nila ang kasalanan nila.