8Sa halip na kayo ang mamamahala sa mga banal na bagay sa Templo, ipinauubaya ninyo ito sa ibang tao.
9Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabing, walang dayuhan na hindi tuli at matitigas ang puso ang papayagang pumasok sa Templo ko, kahit na ang mga dayuhang nakatira kasama ng mga Israelita.
10“Tungkol naman sa mga Levita na tumalikod sa akin at sumáma sa ibang Israelita na sumamba sa mga diyos-diyosan, pagdurusahan nila ang kasalanan nila.
11Maaari silang maglingkod sa akin bilang mga tagapagbantay sa pintuan at tagakatay ng mga handog na sinusunog at ng iba panghandog ng mga tao. Maaari rin silang maglingkod sa mga tao sa Templo.
12Ngunit dahil sumamba sila sa mga diyos-diyosan habang naglilingkod sa mga tao, at dahil din dooʼy nagkasala ang mga mamamayan ng Israel, isinusumpa kong pagdurusahan nila ang kasalanan nila, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.