Ezekiel 44

Maaari silang maglingkod sa akin bilang mga tagapagbantay sa pintuan at tagakatay ng mga handog na sinusunog at ng iba panghandog ng mga tao. Maaari rin silang maglingkod sa mga tao sa Templo.

Ezekiel 44:11 (UKJV) Yet they shall be ministers in my sanctuary, having charge at the gates of the house, and ministering to the house: they shall slay the burnt offering and the sacrifice for the people, and they shall stand before them to minister unto them.

9Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabing, walang dayuhan na hindi tuli at matitigas ang puso ang papayagang pumasok sa Templo ko, kahit na ang mga dayuhang nakatira kasama ng mga Israelita.

10“Tungkol naman sa mga Levita na tumalikod sa akin at sumáma sa ibang Israelita na sumamba sa mga diyos-diyosan, pagdurusahan nila ang kasalanan nila.

11Maaari silang maglingkod sa akin bilang mga tagapagbantay sa pintuan at tagakatay ng mga handog na sinusunog at ng iba panghandog ng mga tao. Maaari rin silang maglingkod sa mga tao sa Templo.

12Ngunit dahil sumamba sila sa mga diyos-diyosan habang naglilingkod sa mga tao, at dahil din dooʼy nagkasala ang mga mamamayan ng Israel, isinusumpa kong pagdurusahan nila ang kasalanan nila, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.

13Mula ngayon, hindi na sila papayagang lumapit at maglingkod sa akin bilang pari. Hindi rin sila papayagang lumapit sa alinman sa mga banal na bagay o sa mga napakabanal na handog sa akin. Dapat nilang pagtiisan ang kahihiyan dahil sa kasuklam-suklam nilang ginawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.