8Ang lupaing ito ang magiging parte ng pinuno ng Israel. “Ang aking mga pinuno ay hindi na mang-aapi sa aking mga mamamayan. Hahayaan nila na ang mga mamamayan ng Israel ang magmay-ari ng lupang ibinibigay sa kanila ayon sa angkan nila.
9Sapagkat ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Kayong mga pinuno ng Israel, tama na ang ginagawa ninyo. Tigilan nʼyo na ang pagmamalupit at pang-aapi, at gawin ninyo kung ano ang matuwid at tama. Tigilan nʼyo na rin ang pangangamkam ng lupain ng aking mga mamamayan.
10Gamitin ninyo ang tamang timbangan, sukatan, o takalan.
11Ang homer ang batayan ng panukat sa pagbilang. Ang isang homer ay sampung epa o sampung bat.
12Ang shekel ang siyang batayan ng pagsukat ng bigat. Ang isang shekel ay dalawampung gera, at ang animnapung shekel ay isang mina.