Ezekiel 45

Sa bawat batang toro at lalaking tupa, kinakailangang may kasamang handog pagkaing butil na kalahating sakong harina at isang galong langis ng olibo.

Ezekiel 45:24 (UKJV) And he shall prepare a food offering of an ephah for a bullock, and an ephah for a ram, and an hin of oil for an ephah.

22Sa unang araw ng pagdiriwang ninyo, ang pinuno ay mag-aalay ng batang toro bilang handog para sa kasalanan para sa kanyang sarili at sa lahat ng Israelita.

23Bawat araw sa loob ng pitong araw ng pagdiriwang ninyo, ang pinuno ay maghahandog ng pitong batang toro at pitong lalaking tupa na walang kapintasan bilang handog na sinusunog para sa Panginoon. At maghahandog din siya ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan.

24Sa bawat batang toro at lalaking tupa, kinakailangang may kasamang handog pagkaing butil na kalahating sakong harina at isang galong langis ng olibo.

25Ganito rin ang ihahandog ng pinuno sa Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol na magsisimula sa ikalabinlimang araw ng ikapitong buwan. At sa loob ng pitong araw, ang pinuno ay mag-aalay ng katulad ng inihandog niya sa Pista ng Paglampas ng Anghel: mga handog para sa kasalanan, handog na sinusunog, handog na pagkaing butil at langis.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.