Ezekiel 45

Sa unang araw ng pagdiriwang ninyo, ang pinuno ay mag-aalay ng batang toro bilang handog para sa kasalanan para sa kanyang sarili at sa lahat ng Israelita.

Ezekiel 45:22 (UKJV) And upon that day shall the prince prepare for himself and for all the people of the land a bullock for a sin offering.

20Ganito rin ang gawin ninyong seremonya sa ikapitong araw ng buwan ding iyon, para sa sinumang magkasala ng hindi sinasadya o nagkasala nang walang alam. Sa ganitong paraan malilinis ninyo ang Templo.

21“Sa ikalabing-apat na araw ng unang buwan, ipagdiwang ninyo ang Pista ng Paglampas ng Anghel. Ipagdiriwang ninyo ito sa loob ng pitong araw, at tinapay na walang pampaalsa lang ang kakainin ninyo.

22Sa unang araw ng pagdiriwang ninyo, ang pinuno ay mag-aalay ng batang toro bilang handog para sa kasalanan para sa kanyang sarili at sa lahat ng Israelita.

23Bawat araw sa loob ng pitong araw ng pagdiriwang ninyo, ang pinuno ay maghahandog ng pitong batang toro at pitong lalaking tupa na walang kapintasan bilang handog na sinusunog para sa Panginoon. At maghahandog din siya ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan.

24Sa bawat batang toro at lalaking tupa, kinakailangang may kasamang handog pagkaing butil na kalahating sakong harina at isang galong langis ng olibo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.