Ezekiel 45

Ganito rin ang gawin ninyong seremonya sa ikapitong araw ng buwan ding iyon, para sa sinumang magkasala ng hindi sinasadya o nagkasala nang walang alam. Sa ganitong paraan malilinis ninyo ang Templo.

Ezekiel 45:20 (UKJV) And so you shall do the seventh day of the month for every one that errs, and for him that is simple: so shall all of you reconcile the house.

18Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon, “Sa unang araw ng unang buwan, maghahandog kayo ng toro na walang kapintasan para sa paglilinis ng Templo.

19Ang pari ang dapat kumuha ng dugo mula sa handog para sa kasalanan at ipapahid niya sa hamba ng pintuan ng Templo, sa apat na sulok ng altar, at sa mga hamba ng pintuan sa bakuran sa loob.

20Ganito rin ang gawin ninyong seremonya sa ikapitong araw ng buwan ding iyon, para sa sinumang magkasala ng hindi sinasadya o nagkasala nang walang alam. Sa ganitong paraan malilinis ninyo ang Templo.

21“Sa ikalabing-apat na araw ng unang buwan, ipagdiwang ninyo ang Pista ng Paglampas ng Anghel. Ipagdiriwang ninyo ito sa loob ng pitong araw, at tinapay na walang pampaalsa lang ang kakainin ninyo.

22Sa unang araw ng pagdiriwang ninyo, ang pinuno ay mag-aalay ng batang toro bilang handog para sa kasalanan para sa kanyang sarili at sa lahat ng Israelita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.