Ezekiel 45

Ang pari ang dapat kumuha ng dugo mula sa handog para sa kasalanan at ipapahid niya sa hamba ng pintuan ng Templo, sa apat na sulok ng altar, at sa mga hamba ng pintuan sa bakuran sa loob.

Ezekiel 45:19 (UKJV) And the priest shall take of the blood of the sin offering, and put it upon the posts of the house, and upon the four corners of the settle of the altar, and upon the posts of the gate of the inner court.

17Tungkulin naman ng pinuno ng Israel ang pagbibigay ng mga handog na sinusunog, handog ng pagkaing butil, handog na inumin, handog para sa kasalanan, at handog pangkapayapaan sa panahon ng pista katulad ng Pista ng Bagong Buwan, mga Araw ng Pamamahinga, at iba pang mga pista na ipinagdiriwang ng mga Israelita. Iaalay ang mga handog na ito upang mapatawad ang mga kasalanan ng mga mamamayan ng Israel.”

18Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon, “Sa unang araw ng unang buwan, maghahandog kayo ng toro na walang kapintasan para sa paglilinis ng Templo.

19Ang pari ang dapat kumuha ng dugo mula sa handog para sa kasalanan at ipapahid niya sa hamba ng pintuan ng Templo, sa apat na sulok ng altar, at sa mga hamba ng pintuan sa bakuran sa loob.

20Ganito rin ang gawin ninyong seremonya sa ikapitong araw ng buwan ding iyon, para sa sinumang magkasala ng hindi sinasadya o nagkasala nang walang alam. Sa ganitong paraan malilinis ninyo ang Templo.

21“Sa ikalabing-apat na araw ng unang buwan, ipagdiwang ninyo ang Pista ng Paglampas ng Anghel. Ipagdiriwang ninyo ito sa loob ng pitong araw, at tinapay na walang pampaalsa lang ang kakainin ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.