16Ang lahat ng Israelita ang magdadala ng mga kaloob na ito upang magamit ng pinuno ng Israel.
17Tungkulin naman ng pinuno ng Israel ang pagbibigay ng mga handog na sinusunog, handog ng pagkaing butil, handog na inumin, handog para sa kasalanan, at handog pangkapayapaan sa panahon ng pista katulad ng Pista ng Bagong Buwan, mga Araw ng Pamamahinga, at iba pang mga pista na ipinagdiriwang ng mga Israelita. Iaalay ang mga handog na ito upang mapatawad ang mga kasalanan ng mga mamamayan ng Israel.”
18Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon, “Sa unang araw ng unang buwan, maghahandog kayo ng toro na walang kapintasan para sa paglilinis ng Templo.
19Ang pari ang dapat kumuha ng dugo mula sa handog para sa kasalanan at ipapahid niya sa hamba ng pintuan ng Templo, sa apat na sulok ng altar, at sa mga hamba ng pintuan sa bakuran sa loob.
20Ganito rin ang gawin ninyong seremonya sa ikapitong araw ng buwan ding iyon, para sa sinumang magkasala ng hindi sinasadya o nagkasala nang walang alam. Sa ganitong paraan malilinis ninyo ang Templo.