19Ang pari ang dapat kumuha ng dugo mula sa handog para sa kasalanan at ipapahid niya sa hamba ng pintuan ng Templo, sa apat na sulok ng altar, at sa mga hamba ng pintuan sa bakuran sa loob.
20Ganito rin ang gawin ninyong seremonya sa ikapitong araw ng buwan ding iyon, para sa sinumang magkasala ng hindi sinasadya o nagkasala nang walang alam. Sa ganitong paraan malilinis ninyo ang Templo.
21“Sa ikalabing-apat na araw ng unang buwan, ipagdiwang ninyo ang Pista ng Paglampas ng Anghel. Ipagdiriwang ninyo ito sa loob ng pitong araw, at tinapay na walang pampaalsa lang ang kakainin ninyo.
22Sa unang araw ng pagdiriwang ninyo, ang pinuno ay mag-aalay ng batang toro bilang handog para sa kasalanan para sa kanyang sarili at sa lahat ng Israelita.
23Bawat araw sa loob ng pitong araw ng pagdiriwang ninyo, ang pinuno ay maghahandog ng pitong batang toro at pitong lalaking tupa na walang kapintasan bilang handog na sinusunog para sa Panginoon. At maghahandog din siya ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan.