Ezekiel 46

Sinabi niya sa akin, “Dito sa lugar na ito nagluluto ang mga pari ng handog na pambayad ng kasalanan, handog para sa kasalanan, at handog na pagkaing butil. Dito sila magluluto upang maiwasan nila ang pagdadala ng mga handog sa labas ng bulwagan. Sa ganitong paraan hindi maapektuhan ang mga tao sa kabanalan nito.”

Ezekiel 46:20 (UKJV) Then said he unto me, This is the place where the priests shall boil the trespass offering and the sin offering, where they shall bake the food offering; that they bear them not out into the utter court, to sanctify the people.

18Ang pinuno ay hindi dapat kumuha ng lupa ng mga tao. Kapag magbibigay siya ng lupa sa mga anak niya, ang lupa niya ang dapat niyang ibigay upang hindi mawalan ng lupa ang mga mamamayan.”

19Pagkatapos, dinala ako ng tao sa banal na mga silid ng mga pari sa gawing timog. Doon kami dumaan sa pintuang nasa gilid ng daanan. Ipinakita niya sa akin doon ang lugar na nasa kanluran ng mga silid na ito.

20Sinabi niya sa akin, “Dito sa lugar na ito nagluluto ang mga pari ng handog na pambayad ng kasalanan, handog para sa kasalanan, at handog na pagkaing butil. Dito sila magluluto upang maiwasan nila ang pagdadala ng mga handog sa labas ng bulwagan. Sa ganitong paraan hindi maapektuhan ang mga tao sa kabanalan nito.”

21Pagkatapos, dinala niya ako sa bulwagan sa labas, at ipinakita sa akin ang apat na sulok nito.

22Sa bawat sulok nito ay may maliliit na bakuran na pitumpung talampakan ang haba at limampuʼt tatlong talampakan ang lawak, at pare-pareho ang laki nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.