Ezekiel 46

Sa bawat sulok nito ay may maliliit na bakuran na pitumpung talampakan ang haba at limampuʼt tatlong talampakan ang lawak, at pare-pareho ang laki nito.

Ezekiel 46:22 (UKJV) In the four corners of the court there were courts joined of forty cubits long and thirty broad: these four corners were of one measure.

20Sinabi niya sa akin, “Dito sa lugar na ito nagluluto ang mga pari ng handog na pambayad ng kasalanan, handog para sa kasalanan, at handog na pagkaing butil. Dito sila magluluto upang maiwasan nila ang pagdadala ng mga handog sa labas ng bulwagan. Sa ganitong paraan hindi maapektuhan ang mga tao sa kabanalan nito.”

21Pagkatapos, dinala niya ako sa bulwagan sa labas, at ipinakita sa akin ang apat na sulok nito.

22Sa bawat sulok nito ay may maliliit na bakuran na pitumpung talampakan ang haba at limampuʼt tatlong talampakan ang lawak, at pare-pareho ang laki nito.

23Ang bawat isa nito ay napapaligiran ng mababang pader, at sa tabi ng pader ay may mga kalan.

24Pagkatapos, sinabi sa akin ng tao, “Ito ang mga pinaglulutuan ng mga naghahandog sa Templo ng handog ng mga tao.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.